WebClick Tracer

Mga sinayang? Kathryn, Miles, Sarah nag-bonding sa gender reveal ni Maja

Nagsama-sama sa ginanap na gender reveal party ni Maja Salvador kamakailan ang mga single ngayon na sina Kathryn Bernardo, Sarah Lahbati at Miles Ocampo.

Sa kanyang Instagram Story, shinare ni Sarah ang litrato nilang tatlo habang nagkakasiyahan.

“Tres marias,” ang inilagay na caption ni Sarah, kung saan itinag niya sina Kathryn at Miles.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizen:

“The broken hearted girls.”

“Mga sinayang at iniwan.”

“Sila nga pala mga sinayang nyo.”

“Pra silang mga nakawala koral😂🤣 Stress free.”

Samantala, ni-reveal na nina Maja at Rambo Nuñez ang gender ng kanilang unang baby.

Makikita sa video na ibinahagi ni Rambo sa Instagram ang tuwa ng mag-asawa nang lumabas ang pink confetti sa box, na ang ibig sabihin, baby girl ang ipinagbubuntis ni Maja. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on