WebClick Tracer

Toni Gonzaga nagsalita na! ‘Di na babalik bilang host ng PBB

Ibinunyag ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga na hindi na siya babalik bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother” sa muling pagbubukas ng bagong season nito.

Sa isang panayam kay Toni ng isang FM radio station, sinabi niyang sa loob ng 16 taong pagiging host niya nito, sapat na raw siguro iyon at naniniwala siyang may mas magaling pa na host kaya oras na raw para ibigay iyon sa kanila.

“Ay… feeling ko, ano, may mga bagong magagaling na hosts and it’s their time to shine,” saad ni Toni.

Dagdag pa niya, “Parang feeling ko the 16 years that I gave… I’ve given sa PBB parang ano na ‘yon, that was special and memorable in my heart, pero sobrang gagaling na ngayon ng mga host ng PBB and I’m sure they will continue the legacy ni Kuya.”

Pinuri niya rin ang line-up ng mga host kagaya nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.

Nagbitiw bilang main host si Toni matapos ma-cancel ng netizens dahil nagsilbi siyang campaign rally host ng UniTeam noong Pebrero 2021.

Unti-unti na muling lumalabas si Toni sa TV at ngayon nga ay may bago siyang pelikulang mapapanood na sa mga sinehan. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on