WebClick Tracer

Gusto na bumalik ng ‘Pinas! Ray Parks natakam sa alindog ni Zeinab

Biglang natakam ang cager-athlete na si Bobby Ray Parks Jr. at gusto na nitong umuwi ng Pinas mula sa paglalaro ng basketball sa Japan.

Ang dahilan hindi napigilan ng basketbolista na magnasa sa kasintahang si Zeinab Harake sa bumuluga sa kanyang alindog ng social media star.

Unang makikita sa IG post ni Zeinab mula sa kanyang Zambales vlog ang mainit nitong emote habang hinahampas ng alon ang kanyang katawan.

Nakasuot ng two piece string strappy bikini si Zeinab na animo’y nagyaya ng romansa sa pagkakataas ng dalawa nitong kamay.

Sa mga sumunod na larawan todo-flex pa rin si Zeinab ng kanyang magandang hubog, at kalandian sa mga poses nito, kaya naman hindi na napigilan ni Bobby Ray na magpahayag ng kanyang pagkasabik sa girlfriend.

Sey ni Bobby Ray, “Sige, uwi na ako” kalakip ang isang red heart eyes emoji.

Natawa naman ang isang netizen at sinabihan nito ang basketbolista na, “daddy ray kalma mo yan HAHAHAHA!”

Isa ito sa dahilan kung bakit nahihirapan si Bobby Ray sa long-distance relationship nila ni Zeinab dahil hindi magawang angkinin ang aktres at hanggang pagpipigil lang ang kaya niyang gawin.

Samantala, pati ang kaibigan nitong si Ivana Alawi ay na-tomboy rin sa kaseksihan ni Zeinab.

Sabi niya, pinapanood na niya ang vlog ng bestie. (Rey Pumaloy)

TELETABLOID

Follow Abante News on