WebClick Tracer

Aga Muhlach bukas sa gay roles

Bukas daw sa gay roles ang aktor na si Aga Muhlach kung sakaling may mag-offer sa kanya.

Sa media conference para sa kanyang comeback film na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” sa Viva Cafe noong Enero 23, ibinahagi ni Aga na matagal na niyang gustong gawin ang ganitong role.

“This is one of the roles, I haven’t done and I’ve been wanting to do, but then sabi nga natin, let’s see for the right time kasi marami ng stories about d’yan,” ani Aga.

Dagdag pa niya, “Nasa Star Cinema pa lang ako pinipilit ko na yung ganitong project, sinabi ko na siya dati pa kila Tita Malou,”

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Aga ng mga nakababatang aktor na gusto niyang makatrabaho, nagpahayag naman siya ng pagiging bukas na gampanan ang papel sa tamang panahon.

Matatandaang ipapalabas sa sinehan ang pelikula nina Aga at Julia Barretto sa Pebrero 17. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on