WebClick Tracer

Toni kinahihiya si Alex

Kinakahiya raw ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga ang mga pinaggagagawa ng kapatid nitong si Alex Gonzaga.

Sa vlog ng social media personality na si Viy Cortez, nag-lie detector test si Toni.

“Nahihiya ka ba minsan sa mga ginagawa ng iyong kapatid?” tanong ni Viy.

Sagot naman ni Toni, “Lagi. Walang araw na hindi. Walang araw na ginawa ng Diyos na hindi ko ikinahiya. Bakit ko naman ikakatuwa ang mga pinaggagawa niya?”

Lumabas sa naging sagot ni Toni ay “Truth” na ikinatawa ni Viy.

Pumatok kasi sa social media ang mga prank ni Alex kung maisipan nito na ang madalas na pinagtritripan nito ay ang inang si Mommy Pinty.

Sinabi rin ni Toni sa Vlog na pakialamera siyang ate na sinegundahan naman ni Viy na ganoon naman daw talaga ang katangian ng panganay na ate.

(VP) https://www.youtube.com/watch?v=f7eoqesgR-g

TELETABLOID

Follow Abante News on