WebClick Tracer

Jake Zyrus inangkin taong 2024

Kinalimutan na raw ng singer na si Jake Zyrus ang anumang mga tsismis at intrigang ibinato sa kaniya sa nagdaang taon.

Aniya positibo siya at aangkinin niya ang taong 2024.

Sa kanyang latest Instagram post, nagbahagi siya ng isang larawan kalakip ang isang mensahe.

“This year is for me, for the people who truly know me and to the people who support and love me. No longer space for drama, just love and music,” ani Jake.

Dagdag pa niya, “Leaving the ugly rumors & noises to 2023. I love you guys! Cheers to a new beginning and to 2024.”

Matatandaang pinutakte ng iba’t ibang isyu patungkol sa kaniyang career at pamilya si Jake matapos daw na hindi magparamdam sa kaniyang inang si Raquel Pempengco.

Isa pa, naging usap-usapan din ang panayam ni Morly Alinio sa kaniyang ina sa YouTube channel nito. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on