WebClick Tracer

Mensahe ni Janno sa yumaong ama: ‘Thank you for loving me’

Naging emosyonal ang aktor at singer na si Janno Gibbs nang mapag-usapan ang yumaong ama na si Ronaldo Valdez.

Sa panayam sa kanya ng batikang broadcast journalist na si Karen Davila sa YouTube channel nito, nagpasalamat si Gibbs sa ama sa pagmamahal nito sa kanya.

Tinanong kasi ni Davila si Gibbs patungkol sa nais niyang sabihin para sa kanyang yumaong ama.

“Meron ka bang gustong sabihin sa kanya na hindi mo nasabi?” tanong ni Davila.

“I’d like to… If I know he’s listening, so I’d like to say, I hope you’re… I hope you’re in a better place. No pain,” tugon naman ni Gibbs.

Dagdag pa niya, “And thank you for loving me,”

Matatandaang pumanaw ang batikang aktor na si Valdez noong Disyembre 17, 2023. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on