WebClick Tracer

Daniel Padilla hindi bibitawan ng ABS-CBN, Star Magic

Taliwas sa kumakalat na balita, hindi bibitawan ng ABS-CBN ang kontrobersiyal na aktor na si Daniel Padilla.

Ayon sa ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, nakatakdang mag-renew ng kanyang network contract sa susunod na buwan si Daniel at mananatili rin sa poder ng Star Magic.

Itinanggi ni Felipe ang balitang hindi na ire-renew ng Star Magic si Daniel kaya naghahanap na ito ng bagong talent agency

“According to Star Magic, Daniel Padilla is scheduled to sign his network contract renewal next month with ABS-CBN & will still remain with Star Magic,” wika ni Felipe sa kanyang Facebook post nitong Jan. 23.

“This is contrary to rumors circulating that the actor is allegedly leaving Star Magic, is looking for a new talent agency and Star Magic is allegedly not renewing him as their talent. Star Magic says Daniel will remain with the talent management agency,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on