WebClick Tracer

Janno Gibbs kinuwento huling sinabi kay Ronaldo Valdez

Ikinuwento ni Janno Gibbs na humihinga pa ang kanyang ama na si Ronaldo Valdez bago ito dalhin sa ospital.

Sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’, sinabi ni Janno na nasa kabilang kwarto lang siya noong nangyari ang pagkasawi ng kanyang ama.

Tila sinigurado raw ni Ronaldo na tulog si Janno bago ito magpakamatay.

Ayon kay Janno, naabutan pa niyang humihinga si Ronaldo bago ito tuluyang bawian ng buhay.

“In his horrible state, he was still breathing. And I stayed with him for a good 10 to 15 minutes,” kwento ni Janno.

“Of course, wala nang response, but I got to say goodbye. I was kissing him, I was saying, ‘I love you. I hope your okay na,'” saad pa ng naulila ni Ronaldo.

Hiling lang sana ni Janno ay nakapagpaalam siya sa kanyang ama na concsious pa ito. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on