WebClick Tracer

Pacers nasungkit si Pascal Siakam

Matagumpay na nasungkit ng Indiana Pacers si Pascal Siakam mula sa Toronto Raptors.

Sa pamamagitan ng trade, nakuha na ng Pacers si Siakam at ibibigay naman nila si Bruce Brown, Jordan Nwora at tatlong first-round picks sa Raptors. Kasama rin sa nasabing trade ang New Orleans Pelicans.

“The Indiana Pacers are finalizing a trade to acquire All-Star F Pascal Siakam in a deal that will send Bruce Brown, Jordan Nwora and three first-round picks to the Toronto Raptors. New Orleans will be a third team in deal, sending Kira Lewis to the Raptors.” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Siakam, na ginugol ang lahat ng walong season sa NBA sa Toronto, ay may average na 22.2 puntos, 6.3 rebounds at 4.9 assists ngayong season. Nanalo na rin siya ng NBA championship kasama ang Raptors noong 2019. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on