WebClick Tracer

IU pupunta sa ‘Pinas para sa isang concert

Inanunsyo ng South Korean singer na si IU na dadalhin niya ang H.E.R. world tour sa Philippine Arena sa Bulacan sa Hunyo 1.

Ang presyo ng tiket at iba pang mga detalye sa nasabing concert ay hindi pa inihahayag.

Sisimulan ni IU ang kaniyang tour sa Seoul, South Korea at magpe-perform din sa Singapore, Japan, Taiwan, Indonesia, Hong Kong, Malaysia, Thailand at sa US at Europe.

Nakatakdang mag-comeback si IU na may album. Ang kaniyang unang single ay pinamagatang ‘Love Wins’.

Si IU ay isa ring artista at nakatakdang bumida sa paparating na drama na ‘Thank You for Your Hard Work’ kasama si Park Bo Gum.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on