WebClick Tracer

Ronaldo Valdez buhay pa nang itakbo sa ospital

Ibinahagi ni Janno Gibbs ang ilang naging kaganapan nang matagpuan nila ang kanyang ama sa loob ng kuwarto nito sa kanilang bahay.

Ayon sa veteran singer-comedian, kasama niya sa bahay ang kanyang ama at siyang nag-aalaga rito.

Natutulog daw siya sa kabilang kuwarto nang katukin siya ng kanyang driver.

“When it happened, I was sleeping in the next room. My driver knocked on my door, and shouting, ‘Daddy mo! Ang daddy mo!’ So we saw him,” kuwento ni Janno sa naganap niyang presscon noong Jan. 15.

Una raw dumating ang kanilang barangay captain na siyang tumawag sa pulisya at ambulansiya dahil humihinga pa aniya si Ronaldo.

“He was still breathing. He was still alive… So, first to arrive was a police officer from the nearby station. Siya ‘yung nag-video. So, nu’ng ibi-video niya, sabi ko, ‘Teka! Ano ‘yan?’… ‘For evidence po, for evidence.’

“Naisip ko, parang SOP naman, ‘di ba? So sige, sige na lang. And then, the ambulance came and we brought him to the hospital where he stayed alive pa for quite some time actually… And then he passed,” patuloy pa ni Janno.

Sa official statement ng aktor na binasa sa presscon, inihayag nitong hindi na magdedemanda ang kanilang pamilya laban sa naglabas ng maselang video sa pagkamatay ng kanilang ama ngunit nag-demand sila ng public apology mula sa PNP.

Kasunod nito’y humingi na ng paumanhin si Quezon City Police District (QCPD) chief Col. Redrico Maranan sa pamilya ng namayapang aktor.

Binanggit ni Maranan na nagkausap na sila ni Janno sa telepono matapos ang ipinatawag na press conference ng singer-actor at naipahatid na aniya niya personally ang paghingi ng paumanhin ng QCPD.

Noong Disyembre 17, 2023 natagpuang may tama ng bala sa sentido si Ronaldo, o James Ronald Dulaca Gibbs sa tunay na pangalan, sa kanilang bahay sa New Manila, Quezon City. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on