WebClick Tracer

Vietnamese na ‘babae’ rin daw ni Daniel Padilla lumantad, nagsalita na

Binasag na ng babaeng Vietnamese ang kanyang pananahimik sa pag-uugnay sa kanya sa hiwalayan ng Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa Instagram post, pinagdiinan ni Min Phuong o Emma, na never niyang na-meet si Daniel at nakilala lamang daw niya ito nang bumisita ang aktor sa Vietnam last year kasama ang mga kaibigan.

Pag-aari raw kasi ng kapatid niya ang bar na pinuntahan nina Daniel sa Vietnam at nagbatian lamang sila.

“My brother told me that Daniel is there and I can say hi to him because I know he is a famous actor. I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him,” paliwanag ni Phuong.

Nakiusap siya sa mga netizen na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon dahil nalalagay na raw sa panganib ang kanyang buhay at trabaho.

“I know you guys love and appreciate your idol. I also feel the same to the artists I support, but please be civilized and polite. Please be a cultured person. You guys have threatened my life and my job, sent messages and spammed my family and friends. This is something I would not wish to happen to anyone,” wika niya.

“I am a common Vietnamese citizen. I work, hang out with my friends, meet people, and live my life normally. I hope you maintain dignity and respect when coming to my social media, and please do not act without thinking,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on