WebClick Tracer

QCPD nag-public apology sa pamilya ni Ronaldo Valdez

Humingi na ng paumanhin si Quezon City Police District (QCPD) chief Col. Redrico Maranan sa pamilya ng namayapang aktor na si Ronaldo Valdez.

Kasunod ito ng pag-demand ng pamilya ni Ronaldo, sa pangunguna ng kanyang anak na si Janno Gibbs, na mag-public apology ang pulisya kaugnay ng umano’y palpak na paghawak ng ilang pulis sa kaso ng pagkamatay ng beteranong aktor.

Matatandaang kumalat online ang sensitibong video ng pagkamatay ni Ronaldo.

“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, ganoon din sa kanilang mga kaibigan, dahil doon sa, sabihin na natin na sakit, na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t ibang social media platform na kung saan ay involved ‘yung isang pulis natin sa pagkuha ng video,” pahayag ni Maranan.

Binanggit niyang nagkausap na sila ni Janno sa telepono matapos ang ipinatawag na press conference ng singer-actor at naipahatid na aniya niya personally ang paghingi ng paumanhin ng QCPD.

Noong Disyembre 17, 2023 natagpuang patay si Ronaldo, o James Ronald Dulaca Gibbs sa tunay na pangalan, sa kanyang bahay sa New Manila, Quezon City, at may tama ng bala sa sentido. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on