WebClick Tracer

Howard dinalaw, nakipagkulitan kay Pacquiao

Bago ang pagsabak niya sa Dubai International Basketball Tournament para sa Philippine team, binisita ni former NBA star Dwight Howard si boxing icon Manny Pacquiao.

Sa kanyang X account, ibinida ni Howard ang naganap na pagkikita nila ni Pacquiao at nagbiro na kukunin niya ang Pambansang Kamao na kanyang personal trainer para sa “laban” nila ni Jake Paul.

“I saw @MannyPacquiao was in Taiwan while I was in the Philippines how ironic. Long story short, it all worked out,” anang former LA Lakers player.

“I finally found a trainer to prepare me for this Jake Paul fight. Who ya got winning?”

Nag-post din si Howard ng video ng kulitan kasama si Pacquiao.

Tinanong nila ni naturalized player Andray Blatche si Pacquiao kung ano sa tingin nito ang nauna – manok o itlog? – na nagpahalakhak sa 8-division champion.

Nakatakdang lumipad pa-Dubai si Howard kasama ang Philippine squad para sa nabanggit na torneo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on