WebClick Tracer

Todo support kahit busy, Ray Parks na-touch kay Zeinab

May matamis na mensahe para sa girlfriend niyang si Zeinab Harake ang basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa Instagram ipinakita ni Ray Parks ang mga litrato nila ni Zeinab na sumama sa kanya patungong Okinawa, Japan para manood ng B.League All-Star weekend.

Pinasalamatan ng basketbolista ang vlogger na kahit busy ay naghahanap daw talaga ng way para samahan at suportahan siya.

“Thank you for being my better half, mahal ko. You always find ways out of your busy schedule to come and support me,” ani Ray Parks sa Instagram post.

“I am blessed to have you as my partner and i truly am grateful for your love, patience and sacrifice. Looking forward our next adventure. I love you, Bel,” dagdag pa niya.

Nagbiro naman si Zeinab ng, “Mahal na mahal kita san next game?”

Isa si Ray Parks sa mga Filipino import na napiling maging bahagi ng Asia All-Stars kontra Asia Rising Stars sa B.League All-Star weekend nitong Sabado, January 13.

Nanalo ang mga Asian import laban sa mga batang B.League player, 127-115.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on