WebClick Tracer

AI o artificial intelligence banta sa BPO o call centers

Kung may bentahe ay mayroon ding banta o negatibong epekto sa ilang sektor ng lipunan ang paggamit ng artificial intelligence (AI).

Ito ang inihayag ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa harap ng mabilis na pag-usad ng teknolohiya at digitalisasyon sa bansa.

Ayon sa negosyanteng si Joey Concepcion na isa sa mga opisyal ng grupo, maganda ang layunin ng paggamit ng AI subalit hindi maiwasang may mga sektor na maapektuhan gaya ng BPO o business process outsourcing / at call centers.

“AI it’s already here, we are using it. But that will explode even much more. There are also threats to these sector – BPO, call center. And we have to prepare for the eventual, you know , AI entry,” ani Concepcion.

Dahil dito iminungkahi aniya ng PSAC kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng hakbang ang gobyerno upang i-level up ang kakayahan ng mga mangagawa sa pamamagitan ng reskilling o upskilling para sa mga bagong oportunidad.

Ito aniya ang tinututukan ngayon ng PSAC upang hindi gaanong maapektuhan ang labor sector sa mga kumpanyang gumagamit na ng AI.

Ang PSAC ay binuo ng Malacañang kung saan may regular na pulong kay Pangulong Marcos Jr. para sa mga usapin at hakbanging may kinalaman sa pagpapalakas ng kabuhayan at ekonomiya ng bansa. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on