WebClick Tracer

‘Suhol’ para sa pirma sa Cha-cha, hubaran – Pimentel

Kailangang imbestigahan ang diumano’y pagbabayad ng P100 kapalit ng lagda para sa people’s initiative campaign sa layuning amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ang sinabi ni Pimentel kasunod nang naunang alegasyon nina Albay Rep. Edcel Lagman at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel tungkol dito noong Lunes.

“We need more investigative work. But if indeed the signatures were paid for then the People’s Initiative Petition is not from the people but is the initiative of the source of the money which could be commercial or some other vested selfish interest,” sabi ni Pimentel sa kanyang text message sa mga reporter.

“A bribed initiative is not the people’s spontaneous initiative,” dagdag.

Nang tanungin kung sino ang dapat manguna sa imbestigasyon, sinabi ni Pimentel na maaring ang Philippine National Police, the National Bureau of Investigation, Department of the Interior and Local Government, Congress, at Non-governmental Organizations ang gumawa nito.

“Anything of value in exchange for a signature can be considered a bribe,” sabi pa ni Pimentel.

Nauna nang ibinunyag na lalagdang indibidwal sa pinalalagdaang form para sa Cha-cha ay bibigyan ng P100, at 50 porsiyento ng pondo ay ibinigay na sa mga mayor at coordinator. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on