WebClick Tracer

Intriga ni Lagman sa pondo ng Comelec pinalagan ni Zaldy Co

Pinalagan ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang pang-iintriga ni Albay Rep. Edcel Lagman na iniuugnay ang dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Charter change.

Ayon kay Co humingi ang Comelec ng dagdag na pondo dahil P2 bilyon lamang ang inilaan sa kanila National Expenditure Program (NEP) para sa 2024. Ang hinihingi umano ng Comelec ay P19.4 bilyon.

Sa deliberasyon ng bicameral conference committee, nadagdagan ng P12 bilyon ang pondo ng Comelec na ngayon ay naghahanda na para sa idaraos na 2025 elections.

“Comelec Chairman George Garcia personally appealed during the budget hearing in Congress to restore their budget. Congressman [Joseph Steven] Caraps Paduano, who presided over that meeting, attests that such request was approved by the committee and reflected in the minutes. Was Congressman Lagman sleeping on the job that he missed it?” tanong ni Co.

Sinabi ni Co na P14 bilyon lamang at hindi P19.4 bilyon ang naibigay sa Comelec. Ang nalalabing P5.4 bilyon ay inilagay umano sa unprogrammed funds.

“Laking pasasalamat pa nga ng Comelec and Chairman George Garcia to the Bicam team for accommodating their request. Maski sila pa ang tanungin nyo,” giit ni Co.

Sa inilabas na pahayag ni Lagman pinalalabas umano ni Lagman na may kinalaman sa pagpopondo ng charter change ang ibinigay na pondo sa Comelec.

“This is another one of his [Lagman’s] wild and irresponsible accusations,” sabi ni Co.

Hinamon ni Co si Lagman na patunayan na gagamitin ang P14 bilyon ng Comelec sa mga hakbang para amyendahan ang 1987 Constitution.

“This is Comelec’s budget. No other agency, not even Congress, can touch or release even one centavo of it. Is Congressman Lagman saying that Comelec commissioners would use those funds for charter change? If he can’t prove it, then he better shut up,” giit pa ni Co.

Ipinunto ni Co na normal lamang na mayroong pondo ang Comelec para sa pagsasagawa ng eleksyon at plebisito gaya ng nakaraang cityhood ng San Jose del Monte. Kapag mayroong mawawala o mamamatay na kongresista na kinatawan ng distrito ay nagsasagawa ng halalan para sa magiging kapalit nito. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on