WebClick Tracer

Paolo Contis binuska ng netizens sa panalo ng TVJ sa ‘Eat Bulaga’

Binuska ng mga netizen si Paolo Contis matapos panigan ng korte sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon para sa pangalang “Eat Bulaga”.

Magugunitang naging headline si Paolo kamakailan matapos niyang mag-react sa naunang pagpabor ng Intellectual Property Office sa TVJ at ikansela ang trademark ng TAPE Inc., sa pangalang “Eat Bulaga” at “EB”.

Saad kasi ni Paolo ay mahaba pa raw ang laban at wala pang final sa usapin.

“Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final,” ani Paolo.

Ang quotable quote na ito ng aktor ang ginamit ng mga netizen para kantiyawan siya matapos ilabas ng Marikina court ang desisyon sa kasong isinampa ng iconic trio laban sa TAPE at sa GMA nitong Jan. 5.

Narito ang comment ng ilang netizen:

@isabellacard1: “Paolo Contis left the group! Nasan na yung sinasabi nyang hindi pa tapos ang laban???? Ngayon nila patunayan na kaya nila without carrying the name na hindi naman talaga sa kanila! Ituloy nyo sa perya yang parlor games nyo. Congrats TVJ!”

@tsaaeveryday: “Finally nagamit na ng TVJ ang EAT BULAGA!!!! BEHLAT KELA PAOLO CONTIS BWAHAHAHAHAH.”

@jr_castro03: “By the way, before we forget, Paolo Contis’ silence is deafening. Now that the court has favored TVJ, he has not spoken anything about it! Akala ko ba mahaba2x pa ang laban?! Di ba may tirik mata pa siya na akala mo sa kanya ang EAT BULAGA!”

@wenggay766: “PAOLO CONTIS: MAHABA PA PO ANG LABAN. Tapos na ang laban! May nanalo na, bhie. Congrats, TVJ and Eat Bulaga!”

@majinboonana: “Labas mo yabang mo ngayon, Paolo Contis. Wahahahahahahahaaha. Ang Eat Bulaga ay sa TVJ at sa mga ORIG Dabarkads lang.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on