WebClick Tracer

Dahil natalo sa kaso: TAPE binago na pangalan ng noontime show sa “Tahanang Pinakamasaya”

Matapos manalo ang kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o “TVJ” laban sa kasong inihain nila para sa copyright at trademark issue ng titulong “Eat Bulaga!”, iniba na ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) ang pangalan ng kanilang noontime show.

“Tahanang Pinakamasaya” na titulo ng kanilang programa.

Bukod sa titulo ng show, nakuha na rin ng TVJ ang logo at theme song nito.

Enero 5 ng lumabas ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 tungkol sa kaso.

Sa kanilang official Facebook page, nagpalit ng cover photo ang nasabing producer at nagcomment ito ng, “It feels like Day 1 at maraming salamat sa pagbisita sa Tahanang Pinakamasaya! Tuloy-tuloy lang ang Tulong, Saya at Sorpresa!”

https://www.facebook.com/officialtapeinc

Matatandaang ang “Tahanang Pinakamasaya” ay madalas na closing salvo ng MGA host bago nila sambitin ang “Eat Bulaga!” (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on