WebClick Tracer

Clearing operations, pag-aayos ng kalsada para sa Traslacion 2024 sinimulan na

Sinimulan na ng mga awtoridad ang clearing operations at pag-aayos ng kalsada para sa Traslacion 2024 upang maiwasang masugatan ang mga deboto.

Ipinag-utos ng Manila City Hall na ayusin ang mga simento sa ruta ng prusisyon.

Samantala, pinangunahan naman ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau ang clearing operations para sa mga ilegal na nakaparada na sasakyan at iba pang sagabal sa kalsada.

Ang mga iligal na nakaparadang e-trike, tricycle at sasakyan ay tinanggal.

Inihayag ng MMDA na gagawin araw-araw ang clearing operations hanggang sa Traslacion sa Enero 9.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on