WebClick Tracer

Yassi Pressman kasamang naglibot sa Thailand, Vietnam si Luigi Villafuerte

Magkasamang sinalubong ng rumored couple na sina Yassi Pressman at Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte ang taong 2024.

Sa Instagram, pinasilip ng aktres sa kanyang followers ang pagbi-beach nila sa Phuket, Thailand nitong December 31, 2023.

Makikita rin ang paglilibot nina Yassi at Villafuerte sa Hoi An, Vietnam nitong New Year’s Day.

May litrato rin kung saan makikitang nakayakap si Yassi sa gobernador habang nakatayo sila sa tabi ng isang sign board na may nakasulat na “From Hoi An with love!”

“Last year was such a rollercoaster, but the ride, be it scary sometimes, will always be fun,” caption ng aktres.

“So excited for 2024, to all your highs and lows, stops and go-sss, laughs and cries (hopefully more for joy tho) and for the opportunity for us to breathe more, share more, learn more, give more, live more & love more,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on