WebClick Tracer

Alden Richards sa kumukwestiyon sa sekswalidad: ‘Tingin n’yo bading? Fine’

Tila pagod na ang aktor na si Alden Richards sa tsikang bading siya at nauumay na raw ito.

Sa latest episode ng Toni Talks ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga nitong Martes, Enero 2, napag-usapan ang bagay na ito.

Ani Toni, “What are you tired hearing about?”

“Sa gender issue,” sagot naman Alden.

Bumuwelta si Alden, “Tingin n’yo ganoon? Fine. Tingin n’yo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan ‘pag may mga rumors, wala na bang iba?”

Naiintriga kasi ang madlang pipol sa pagkalalaki nito dahil sa dami ng nalilink sa kanyang mga artista ay wala man lang itong matipuhan.

Sinigundahan ito ni Toni ng, “Sa showbiz, ‘pag lalaki tapos walang girlfriend ‘kasi ganito siya,”

Napapapagod na raw si Alden na marinig ng paulit-ulit ang isyung ito kaya wapakels na raw siya.

“I have my life right now. I am happy. Perfectly happy with what I have, what I am able to do at the moment. I seize every opportunity,” saad pa ni Alden.

Ani pa ni Alden, wala sa kanya ang kontrol kung ganoon ang tsismis na ibinabato laban sa kanya.

Bukod pa sa gender issue, may mga lumitaw ding tsika na kasal at may anak na umano si Alden sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza.

Mariin namang itinanggi ito ni Alden.

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on