WebClick Tracer

SWS: 96% ng mga Pinoy, haharapin ang 2024 nang may pag-asa

Nasa 96% ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang Bagong Taon nang may pag-asa, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Kung ikukumpara ang datos noong 2022 na may 95%, mas mataas ng isang puntos ang nagsabing tatahak sila sa Bagong Taon nang may pag-asa.

Samantala, 3% naman ang nagsabing papasukin nila ang taong 2024 nang may pangamba na kung saan dalawang puntos itong mas mababa ito kumpara sa 5% noong 2022.

“Hope for the New Year was 87% when first surveyed by SWS at the end of 2000. It was in the 80s at the end of 2000, 2001, 2004, 2005, and 2009. It was in the 90s at the end of 2002, 2003, 2006, 2007, 2008, and from 2010 to 2023,” sabi ng SWS.

Isinagawa ang naturang fourth quarter survey mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.

Matatandaang kamakailan lamang ay inilabas din ng Pulse Asia ang kanilang survey na kung saan 92% daw ng mga Pinoy ang nananatiling “optimistic” at haharapin ang 2024 nang masaya at may pag-asa. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on