WebClick Tracer

Mga Pinoy ipinagpapasalamat ang pagkakaroon ng magandang kalusugan sa Pasko at Bagong Taon — SWS

Pagkakaroon ng magandang kalusugan ang pangunahing ipinagpapasalamat ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon ayon sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa kanilang ulat, lumabas na 51% ang lubos na nagpapasalamat para sa kanilang magandang kalusugan.

29% naman ang nagsabing pamilya ang pangunahing pinagpapasalamat ngayong Pasko at Bagong Taon habang nasa 16% ang nagsasabing ang kanilang buhay ang ipinagpapasalamat nila.

“Following the top three responses were Job/Career/Income (10%), Food to eat (8%), Coping with daily hardships (8%), Prosperity (5%), All the blessings (3%), Education (3%), Peace and safety (3%), and God (2%),” anang SWS.

Dagdag pa nila, “Obtaining 1% were responses related to Lovelife/Spouse, Motorcycle/Vehicle, Surviving an illness or surgery, Happy life, House, Financial support, Having no worries or problems, and Material things,”

May 0.3% naman ang labis na nagpapasalamat dahil kaya nilang tumulong sa iba.

Samantala, nasa 2% ng mga tumugon sa survey ang hindi nagbigay ng kasagutan sa naturang usapin.

Tinanong ang mga naturang respondents ng tanong na, ““As Christmas and the end of the year approaches, may I know what one or two things are you most thankful for in your life right now?”

Isinagawa ang nasabing survey mula Disyembre 8 hanggang 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on