WebClick Tracer

Melissa Gibbs nawala sa sarili sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Sa unang pagkakataon pagkatapos mamatay ang kanyang amang si Ronaldo Valdez, nag-post si Melissa Gibbs sa Instagram.

Pinasalamatan ni Melissa ang lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya at nagbigay suporta sa kanya noong panahong aniya’y nawala siya sa sarili dahil sa nangyari.

“I love u papa. We love u pepe. Thank you @jenniebote @debbieobias for fixing everything at the wake.
Thank you @zarahvon @bratinella_315 @lovechantel.ongpauco for taking care of me,” ani Melissa.

“Thank you my support group @almiramuhlach @chescadimorales @alyssamuhlach @abby_pineda_mga punong abala habang ako ay wala sa sarili. And to all my friends n family,” dagdag pa niya.

Na-cremate na ang mga labi ng batikang aktor sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Guadalupe, Makati.

Pumanaw ang veteran actor noong Linggo, Disyembre 17 sa edad na 76. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on