WebClick Tracer

Video ng taxi driver na nagbibigay ng ‘airport meter rate’, iimbestigahan ng LTFRB

LTFRB

Matapos lumabas sa social media ang video ng taxi driver na nag-aabot ng “airport meter rate” sa isang turista, inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iimbestigahan nila ang nasabing insidente.

Sinabi ni LTFRB spokesperson Celine Pialago na susuriin ng ahensya ang authenticity ng nasabing video.

Sa nasabing video, makikita ang kasama ng taxi driver na nagbibigay ng laminated bond paper na may rate ng taxi. Ang “airport meter rate” ay mula P9,700 hanggang P13,500 bawat tao depende sa destinasyon.

Makikita sa listahan, ang Metro Manila travel ay nagkakahalaga ng P9,700 kada tao, na siyang pinakamurang rate.

Samantala, ang pinakamahal na destinasyon ay ang Terminal 4 na nasa P13,500 kada tao.

TELETABLOID

Follow Abante News on