WebClick Tracer

Ayaw kasi ibigay bola: Giannis Antetokounmpo sinugod locker room ng Pacers

Nainis at nanggigil si Giannis Antetokounmpo matapos ayaw ibigay ng Indiana Pacers ang bola sa kaniya.

Sa sobrang inis nito, sinugod pa ni Antetokounmpo ang locker room ng Pacers. Nais kuhanin ni Antetokounmpo ang bola matapos nitong umiskor ng 64 puntos.

Ayon naman kay Chris Haynes ng TNT at Bleacher Report, kinuha ng Pacers ang bola para ibigay ito sa kanilang rookie na naka-iskor ng unang basket nito sa NBA.

“B/R Sources: Initial explanation from one member of Pacers to Bucks players as to why they took the game ball from Giannis Antetokounmpo: They wanted to give it to a rookie who scored his first career basket.”

Ang naitalang 64 puntos ni Antetokounmpo ay ang kaniyang career-high at isa rin na franchise record. (CS)

SEE RELATED STORY HERE:

Giannis Antetokounmpo pumirma ng bagong kontrata sa Bucks

TELETABLOID

Follow Abante News on