WebClick Tracer

KDLex target maging DongYan na love team na nagkatuluyan

Relationship goals nina KD Estrada at Alexa Ilacad sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na hindi lang sa mga palabas nagkatuluyan kundi maging sa totoong buhay.

Ani Alexa, gusto niyang si KD na ang makatuluyan niya.

“I know of love teams na nagkatuluyan, nagpamilya. Marian and Dingdong, number one in my mind. Ako, siyempre ‘yun ang goal sana,” pahayag ni Alexa sa ulat ng ABS-CBN.

Samantala, natutuwa raw ang KDLex na open ang kanilang management na magsolo sila sa mga project.

“Love teams are very helpful to anyone’s career, in mine. Thankfully, management is open to love teams exploring individually. So they don’t necessarily need to break up or end, but we can pursue other things,” ani Alexa.

“We are very fortunate now that people are more open to have love teams that explore solo projects. Maybe in a few months we can do projects together, then solo. It is for the growth of partnership,” saad naman ni KD. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on