WebClick Tracer

2024 national budget raratipikahan sa Disyembre 11 – Zubiri

Nakatakdang ratipikahan sa Lunes, Disyembre 11, ang panukalang P5.768 trilyong pambansang pondo para sa 2024, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sabi ni Zubiri, muling magtitipon ang bicameral panel sa Makati City para isapinal ang pambansang pondo na inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal nag pagbasa sa Nobyembre 28.

“We’re ratifying the budget tomorrow… Confirmed,” sabi ni Zubiri sa kanyang Viber message sa mga reporter.

Sa bicam, ire-reconcile ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara ang mga hindi mapagkasunduang mga probisyon ng kani-kanilang mga bersiyon.

Sa oras na magpakasunduan, ang pinal na bersyon ay raratipikahan at ipapadala sa Malakanyang para marebyu at maaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on