WebClick Tracer

2 patay, 6 sugatan sa aksidente ng truck at motorsiklo sa Cotabato

Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki, habang anim pa ang sugatan matapos na sumalpok ang isang bongo truck sa sinusundang motorsiklo sa Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato noong Sabado ng gabi.

Base sa report ng Banga police, tinatahak ng motorsiklo ng mga biktima ang Banga – Isulan national road ng mula sa likuran ay salpukin ang mga ito ng truck dakong alas 10:00 ng gabi.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga sakay ng motor at maging ang mga sakay ng truck na nahulog sa bakanteng lote sa gilid ng kalsada.

Isinugod pa ang ang dalawang sakay ng motorsiklo sa South Cotabato Provincial Hospital subalit idineklara ng dead on arrival ang mga ito.

Nagtamo ng sugat ang mga sakay ng truck na isinugod din sa pagamutan.

Inaalam pa sa ngayon ang pangalan ng mga nasawi at sugatan sa nasabing insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak ang driver ng truck at ang kanyang mga kasama.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple ho,ice and damage to properties at kasong paglabag sa Republic Act No. 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Law ang driver ng truck.

TELETABLOID

Follow Abante News on