WebClick Tracer

Rendon may banat kay Joey: ‘Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa’

Rendon Labador

May sagot ang social media personality na si Rendon Labador sa TV host-actor na si Joey De Leon sa inupload nitong video sa X.

Sa video sinabi ni De Leon na, “Well, I don’t expect respect from RES-FAKE!” https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1732514632555012434

Sinagot ito ni Rendon sa kanyang Facebook Story nitong Sabado, Disyembre 9.

“Utang na loob! Magkaisa muna tayo, Boss Joey, kahit ngayong Pasko lang. Nakakasawa na kasi ‘yung parinigan ninyo. Hindi rin magandang halimbawa sa mga bata rito sa socmed,” ani Rendon.

Sabi pa niya, dapat daw sa edad ni Joey ay magsilbi itong magandang halimbawa.

“Dapat kayong matatanda ang magsilbing magandang halimbawa. Sayang naman ‘yung nabuo ninyo. Icon pa naman kayo tapos may panay ganyan tayo. Magkahiyaan na lang po, Boss Joey,” dagdag pa ni Rendon.

Bagama’t wala naman nabanggit si Joey sa kanyang video kung sino ang pinatutungkulan nito, ayon sa mga netizen ito ay may koneksyon sa kanselasyon ng trademark registration ng “Eat Bulaga!” sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE, Inc.).

Matatandaang ipinawalang-bisa kamakailan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!”

TELETABLOID

Follow Abante News on