WebClick Tracer

Ogie Diaz nagsalita na kung bakit wala sa Kapamilya Station ID

May banat si Ogie Diaz sa mga nagsasabing kaya hindi raw siya nakasama sa ABS-CBN Christmas station I.D ay dahil sa pagtira raw umano nito sa aktres na si Andrea Brillantes.

Matatandaan na nadawit si Andrea sa hiwalayang KathNiel.

Sa tweet niya sa X, sinabi ni Ogie na natatawa na lang siya sa mga nagtatanong kung bakit wala siya sa Christmas station I.D.

“Nakakatawa yung kaya daw di ako nakasama sa christmas station id ng abs, dahil tinitira ko daw si andrea at sa akin nagsimula ang kathniel breakup,” tweet ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Hayaan nyo, next year, pag me show na ako sa abs, ka-join na ako diyan.”

Ayon pa kay Ogie, mananatili pa rin siya sa network kahit pa man wala itong palabas doon.

Matatandaang pinutakte ng pambabash si Ogie matapos isiwalat na hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

TELETABLOID

Follow Abante News on