WebClick Tracer

Loisa kay Ronnie: ‘Kung kaya mong mambabae, kaya rin namin manlalaki’

Nagpaalala ang aktres na si Loisa Andalio sa kasintahang aktor na si Ronnie Alonte na kung kaya raw nitong mambabae ay kaya niya ring manlalaki.

Sa isang interbyu, natanong ang dalawa kung ano ang ginagawa nila upang mapanatili ang 7 taong pagsasama.

Privacy ang naging tugon ng dalawa at sinabing nag-aaway naman daw sila ngunit hindi nila ito ipinapaalam sa mga tao.

“Dumarating sa point na may pinag-aawayan talaga kayo bilang magkarelasyon pero mas maganda kasi na hindi nalang pinapalabas,” wika ng aktres.

Sinabi naman ni Loisa na lagi niya raw pinapaalalahan si Ronnie na wag nitong gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin dito.

“Wag kang gagawa ng ayaw mong gagawin namin sa iyo,” ani Loisa.

Dagdag pa niya, “‘Kung kaya mong mambabae, kaya rin namin manlalaki.”

Para naman kay Ronnie, mahalaga sa isang relasyon ang respeto sa bawat isa.

“Respeto sa kanya at respeto sa akin,” maikling sagot Ronnie.

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on