WebClick Tracer

Estados Unidos, Japan kinondena pambobomba ng China

Kinondena ng Estados Unidos at Japan ang pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Sabado, Disyembre 9.

“We condemn PRC’s (People’s Republic of China) aggressive, illegal actions against Philippine BFAR vessels lawfully operating in the Philippine EEZ (exclusive economic zone),” ani U.S. Ambassador MaryKay L. Carlson sa kanyang tweet.

“This PRC behavior violates international law and endangers lives and livelihoods. We stand with our Philippine #FriendsPartnersAllies in support of a #FreeAndOpenIndoPacific,” dagdag pa ni Carlson.

Samantala sinabi naman ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko na lubhang nakakabahala ang ginagawang panggigipit ng China sa mga resupply vessel ng Pilipinas.

Sabi ni Kazuhiko sa aksiyon ng China, “endangers lives and livelihoods and pose the threat to the peace and stability in (the) South China Sea.”

“We reiterate the importance of upholding international law, particularly UNCLOS, and 2016 Arbitral Award,” dagdag pa niya.

Matatandaang, mariing kinokondena ng ally ng Pilipinas na United States at Japan ang mga hindi magandang ginagawa ng CCG sa loob ng EEZ ng bansa.

TELETABLOID

Follow Abante News on