WebClick Tracer

Annabelle Rama sa mga Marites: ‘Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi’

Bumuwelta si Annabelle Rama matapos ma-bash sa kanyang pahayag sa isang interbyu.

Sinabi niya kasi na trabaho nang trabaho ang anak nitong si Richard Gutierrez samantalang ang isa naman ay nagwawaldas.

Hindi niya naman tinukoy kung sino ang sinasabihan niyang nagwawaldas.

Maraming netizens naman ang nagreact sa naging pahayag na ito ni Rama na tingin ay si Sarah Lahbati ang tinutukoy nito.

Kaya naman sa kayang Instagram account, nag-post ito ng larawan nilang pamilya at may mahabang caption.

“Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news,” panimula ni Rama.

Sinabi niya rin na malalaman din daw in ‘due time’ ang katotohanan sa kumakalat na hiwalayan ng anak at asawa nitong si Sarah.

“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time. Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida . Mali ang bentang nyo sa akin,” dagdag pa niya.

Huwag daw siyang sisihin sa nangyayari sa dalawa dahil napakabilis ng mga pangyayari.

“Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi,” patuloy na pahayag ni Annabelle.

Pinagbabawalan daw umano si Annabelle na magsalita tungkot sa isyu pero kung siya lang daw ang magdi-desisyon, kating kati na raw itong ibulgar ang tunay na nangyari.

Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

Sinabi rin ni Rama na ayaw niyang maghiwalay ang dalawa alang alang sa kanyang mga apo.

“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay . Dahil mahal ko ang mga apo ko.” sabi pa niya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on