WebClick Tracer

VP Sara sa mga estudyante: ‘Pag-aaral susi sa magandang trabaho’

Nagpaalala si Vice President at Department of Education (DepEd) Sara Duterte sa mga estudyante sa La Castellana, Negros Occidental na sikaping makapagtapos ng pag-aaral dahil ito umano ang susi para makahanap sila ng magandang trabaho.

Bumisita si Duterte sa La Castellana Elementary School nang magtungo raw siya sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 7, sinabi niyang kinumusta niya ang Principal at District Supervisor ng nasabing paaralan.

“Aking kinausap ang Principal nila at District Supervisor upang kumustahin sila, ang mga mag-aaral at kanilang paaralan upang malaman ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan,” ani Duterte sa post.

Bumisita rin daw si Duterte sa mga silid upang paalalahanan ang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti.

“Pinaaalahanan ko sila na mag-aral nang mabuti at sikaping makapagtapos ng pag-aaral dahil ito ang susi upang makahanap sila ng magandang trabaho at mabili nila ang kanilang mga gusto at pangangailangan,” wika pa ng DepEd secretary.

TELETABLOID

Follow Abante News on