WebClick Tracer

SMNI anchors na kinulong sa Kamara, nag-hunger strike

Nag-hunger strike umano ang mga anchor ng SMNI na sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy upang iprotesta ang kanilang pagkakakulong sa Kamara de Representantes.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Celiz na siya at si Badoy ay inilipat na sa south facility building malapit sa south gate ng Batasan Complex sa Batasan Hills, Quezon City.

“I, AND DR. LORRAINE BADOY are now entering the second day of our “HUNGER STRIKE/HUNGER PROTEST” as we continue to resist and oppose our serious illegal detention at the House of Representatives/Batasan Complex. Please keep us strong by your prayers and moral support… FOR GOD, COUNTRY AND OUR PEOPLE, WE SHALL PERSEVERE!” sabi ni Celiz sa post.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises chairperson at Parañaque City Rep. Gus Tambunting ang dalawa ay sumailalim sa medical check-up bago magtanghali nitong Huwebes at pareho silang nasa normal na kondisyon.

Nakulong ang dalawa matapos silang ma-cite for contempt ng komite sa pagdinig noong Martes.

Si Celiz ay ikinulong matapos na tumanggi na ihayag kung sino ang source ng kanyang maling impormasyon na gumastos si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng P1.8 bilyon sa mga biyahe nito.

Si Badoy naman ay ipinakulong matapos kontrahin ng abogado ng SMNI na si Mark Tolentino ang pahayag nito na mayroong advertisement ang kanilang programang “Laban Kasama ang Bayan.” (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on