WebClick Tracer

Pinoy sa US bistado sa pag-aayos ng pekeng kasal

Nahatulang guilty sa pag-aayos ng pekeng kasal ang isang 42-anyos na Pilipino sa Amerika.

Ayon sa ulat, ibababa ang sentensiya kay Engilbert Ulan, naninirahan sa Los Angeles, California, ng US District Court sa Marso 2024 para sa mga kasong may kaugnayan sa large-scale conspiracy to commit marriage at immigration fraud.

Napatunayan umano ng federal jury sa Boston ang kaugnayan ni Ulan sa pamemeke ng mga dokumento para sa mga kliyenteng gustong maging legal ang status sa Amerika.

Base pa sa mga rekord ng korte, malaki ang papel na ginampanan ni Ulan sa pagpapatakbo ng fraudulent marriage scheme, na nag-ayos ng mahigit 300 pekeng kasal ng foreign national at US citizen. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on