WebClick Tracer

Ogie Diaz bumuwelta sa erpat ni Liza Soberano na pinagmumura siya

Binuweltahan ni Ogie Diaz ang ama ng dati niyang alagang si Liza Soberano matapos siya nitong murahin at maliitin.

Sa “Ogie Diaz Showbiz Update”, ibinahagi ang screenshots ng mga Facebook post ni John Soberano sa kasagsagan ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Gigil na gigil si John kina Ogie at Cristy Fermin dahil sa pakikialam daw ng mga ito sa buhay ng iba.

Mababasa sa post ni John: “Cristy Fermin pot*ng*na mo at pot*ng*na nyong lahat na nakikialam sa may buhay nang [may] buhay… lalo na ikaw OG… mabait pa anak ko ganyan mag salita.

“Bukas may live akong gagawin or sasabihin about you… You all woke up the BEAST.”

Sabi naman niya sa hiwalay na post: “OG D… bumalik ka na lang ng pagtinda ng turon para yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people’s business… ang isigaw mo na lang is TURON LUMPIA. di ba jan ka rin nag umpisa?”

Ipinagtataka raw ni Ogie kung bakit nanggagalaiti ang ama ni Liza gayong hindi naman ang anak niya ang pinag-uusapan ngayon kundi ang KathNiel.

“Pinakialaman namin buhay n’yo recently daddy? Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay ‘yung pagtatapos ng relasyon ng KathNiel. Asan ka doon? Asan ang anak mo dun? Ikaw magsabi asaan?” ani Ogie.

Nagbanta pa raw ang ama ni Liza na magla-live na tila may isisiwalat laban kay Ogie subalit hindi naman itinuloy.

“Ba’t siya magla-live, ito nga binura niya, ‘yung kanyang announcement na siya ay magla-live… Ako wala akong dapat ikatakot kung anuman ‘yang ila-live mo. Hihintayin ko ‘yung pagla-live mo Daddy John at hintayin mo rin ‘yung aking sagot sa magiging live mo… Dun lang ako dedepende,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Ogie, wala raw utang na loob si John sa mga nagawa niya noong nagsisimula pa lamang sa pag-aartista si Liza.

“Diyos ko naman daddy, ang dali-dali mong makalimot. Ano ba, mag-iisa-isa ba tayo? Mag-e-enumerate ba tayo ng mga nagawa nating kabayanihan sa isa’t isa? Gusto mo ba ganun?

“Unang-una daddy, gusto ko kayong ibalik sa nakaraan. Hindi ko naman sinasabing naghihirap kayo pero wala rin naman kayo noong araw. Si Liza lang talaga ang nagtaguyod sa inyo.

“Ni hindi ka nga marunong magpasalamat… Daddy ‘wag ako. Kasi kung may alam ka tungkol sa’kin, mas marami akong alam tungkol sa’yo. Kung gusto mo lang na magbulatlatan tayo dito.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on