WebClick Tracer

Makabayan pinababasura PUJ franchise consolidation deadline

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc upang hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang public utility jeepney (PUJ) franchise consolidation deadline na nakatakda sa Disyembre 31.

“It is the charge of the state to protect the interests of the Filipino people, and to ensure that all people have equal standing in the eyes of the law,” sabi sa resolusyon.

“In this vein, the state should also avoid the implementation of policy which affects already oppressed sectors adversely and stands to push for the gain of a small section of society,” sabi pa rito.

Ayon sa resolusyon sa ilalim ng One Franchise, One Route Policy ng LTFRB ay mawawalan ng hanapbuhay ang mga maliliit na driver ng PUJ dahil hindi kakayanin ng mga ito na makabili ng mga bagong sasakyan na pagsasama-samahan upang makuha ang isang ruta.

“This effectively boxes out those with a small capital base, like the small and single-vehicle operators, from operating their PUV units anywhere,” sabi sa resolusyon.

Nanawagan ang Makabayan bloc sa Kamara de Representantes na himukin ang LTFRB na ibasura ang Department Order 2017-011 at alisin ang itinakda nitong franchise consolidation deadline. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on