WebClick Tracer

LizQuen niloloko raw ang mga fan

Niloloko umano nina Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang mga fan dahil pinapaniwala nila ang mga ito na sila pa rin.

Ayon kay Cristy Fermin, 2022 pa pala umano ay hiwalay na ang LizQuen.

“Isa pa ‘yan, ‘yang tambalan na ‘yan. Pilit na pinapaniwala ang kanilang mga tagahanga na sila pa rin. Eh 2022 pa lang pala ay wala na, nagsasakayan lang,” wika ni Cristy sa “Showbiz Now Na”.

“Talagang ano, pinapakiramdaman nila ‘yung galaw ng publiko at ng kanilang mga tagahanga. Niloko pa nila,” dagdag pa niya.

Ayon sa ulat, nauna pang nag-break ang LizQuen sa KathNiel.

Naganap umano ang kanilang paghihiwalay noon pang Oktubre 2022. (IS)

SEE RELATED STORY HERE:

Liza Soberano, Enrique Gil madalang na magkita

TELETABLOID

Follow Abante News on