WebClick Tracer

Daniel Padilla inakusahang nagpapa-good shot sa KathNiel breakup

Maraming pumuri at mayroon ding mga nam-bash kay Daniel Padilla matapos bisitahin ang mga batang may leukemia.

Sey ng ilang netizen, nagpapa-good shot lang ang aktor para mapagtakpan ang cheating issue niya kay Kathryn Bernardo.

Matatandaang naging national issue ang paghihiwalay ng KathNiel matapos mismong si Kathryn ang magkumpirma nito.

Walang binanggit na dahilan si Kathryn kung bakit nagdesisyon sila ni Daniel na tapusin na ang 11 years nilang relasyon.

Sinasabing nakikipagkita diumano nang palihim si Daniel sa aktres na si Andrea Brillantes, na nakarating kay Kathryn.

Narito ang comment ng netizens:

Lizleii Anne Bon Lumantas: “Pa good boy sa public huhu.”

Rac Valmonte: “Nagpapa good shot.”

Maridel Reyes Botor: “Pa good shot in the public eye.”

Mik Mik: “PR move to cover his cheating issue.”

Dehinz Gonzales: “Hmmm.. bkit prang nagpapa gudshot.. panget nba ng image o may ngwang ksalanan.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on