WebClick Tracer

Cristy Fermin kay Daniel Padilla: ‘Lagi raw lasing ngayon’

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nasagap niyang balita na lagi raw diumanong lasing ngayon si Daniel Padilla.

Matatandaang niyanig nina Kathryn Bernardo at Daniel ang social media at naging national news pa nang kumpirmahin nila ang hiwalayan noong November 30 matapos ang lagpas isang dekadang relasyon.

“Hindi kaya promo ito nung ineendorso niya na inuming nakahihilo at nakalalasing?” wika ni Cristy sa “Cristy Ferminute”.

“Kasi ang balita, lagi raw lango, lagi raw lasing ngayon si ano, si Daniel. Ano bang masasabi mo doon?” saad pa niya kay Romel Chika.

“Naku, eh siyempre natural lang naman ‘yan sa mga naghihiwalay ‘di ba ang lalake, siyempre ‘yun ang pampalakas, pampalipas oras at pangtanggal ng kung anu-anong iniisip, ang pag-inom. Pero ito kasi, kitang-kita sa boses niya na parang nabubulol na, kaya sinabi ko rin na nag-live siya na medyo ngenge na,” lahad ni Romel.

Dagdag naman ni Cristy: “Alam mo, ako rin naman si Daniel, kung ganyan kasakit ang naganap sa akin, siguro ang kakampi ko rin ngayon eh alak, huwag na lang sana siyang kumampi pa sa ibang bisyo, alak na lang. At least wala siyang problema… Ang masakit lang pagkatapos ng espiritu nung alak, balik sa reyalidad ‘di ba.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on