WebClick Tracer

5 biktima umano ng human trafficking naligtas sa Tawi-Tawi

Limang lalaking indibidwal na patungo na sanang Malaysia ang nailigtas sa Tawi-Tawi ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) matapos umanong mabiktima ng human trafficking.

Sa Facebook post ng Philippine Navy, makikitang sakay na ng barko ang mga biktima nang masabat ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao at Philippine Coast Guard K9 team sa Bongao Pier, Brgy. Poblacion sa Bongao nitong Disyembre 3 ng madaling araw.

Ayon sa Municipal Inter-Agency Council Against Trafficking (MIACAT-Tawi-Tawi), walang maipakitang papeles ang limang biktima para sa kanilang biyahe.

Posible rin daw na ang pagtatrabaho sa Kota Kinabalu, Malaysia ang pakay ng mga ito.

Samantala, isang kinilalang Mr. Ah Ping na Chinese-Malaysian National ang diumano’y tumanggap sa mga biktima at responsable sa pagpapadali sa pagpunta ng mga ito sa Malaysia.

Sa ngayon, nakauwi na ang mga biktima sa kanilang mga pamilya na dumaan muna sa counseling. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on