WebClick Tracer

Angel Locsin nagparamdam, maganda pa rin kahit chubby

Pinusuan agad ng mga fan ang paramdam ni Angel Locsin sa social media.

Matagal nang walang paramdam si Angel sa showbiz at madalas na throwback photos ang pino-post niya sa kanyang official Facebook account.

Nitong Lunes ay nag-share si Angel ng pictures niya na nakasuot ng pantalon at pulang blouse.

Naka-smile ang aktres at tila nasa isang pasyalan.

Hindi malinaw kung mga bagong litrato niya ang pinost ni Angel gayunpaman ay natuwa ang mga fan niya dahil maganda pa rin ang aktres kahit chubby.

“Happy Monday! [Team Angel PH],” ang maiksing caption ni Angel.

Narito ang comment ng mga follower niya:

“You’re back and still very beautiful.”

“Napakaganda ng idol ko simple walang make up sobra ganda.”

“Ang ganda parin.”

“ChubeautifuliciuseseS.”

“Ganda mas baby face ngayon.”

Nitong October ay nagbigay ng update tungkol kay Angel ang BFF niyang si Dimples Romana.

Ani Dimples, ini-enjoy ni Angel ang married life niya.

“Tahimik ang buhay niya ang saya-saya ko para sa kanya,” sey ni Dimples. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on