WebClick Tracer

Zubiri walang alam sa Senate employee ang nag-leak ng travel budget ni Romualdez

Hinimok ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang House of Representatives na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon sa diumano’y kontrobersiya kaugnay ng travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Zubiri, wala siyang alam sa sinasabing kawani ng Senado na nagbigay ng impormasyon sa paggastos diumano ni Romualdez ng P1.8 bilyon sa kanyang mga biyahe para sa taong 2023.

Ang tinutukoy ni Zubiri ay ang legasyon ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, brodkaster ng Sonshine Media Network Inc. (SMNI), na nauna nang humingi ng paumanhin sa kanyang programang “Laban Kasama ng Bayan” tungkol sa maluhong travel spending ni Romualdez.

“I have no knowledge whatsoever of anyone from the Senate leaking information to any reporter on any House matter,” sabi ni Zubiri sa isang statement.

“Until the concerned resource speaker names a Senate employee, there is no reason to believe that these allegations are anything more than intrigues being sown to create controversy and fake news,” dagdag niya.

Sabi ni Zubiri, iginagalang niya ang interparliamentary courtesy at ayaw niyang magkaroon ng lamat ang matatag na relasyon ng liderato ng Kamara.

“I would suggest that the House continue their investigation until they get to the bottom of this accusation, and press for the concerned person to reveal the name of their alleged source from the Senate,” ani Zubiri.

“Otherwise, the House can cite them in contempt. If they can prove it is an employee of the Senate, then we will initiate disciplinary action on those involved,” sambit pa niya.

Nauna nang sinabi ni Celiz sa kanyang programa na isang kawani ng Senado ang nagbigay ng impormasyon sa kanya subalit ayaw niyang pangalan ang kanyang source. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on