WebClick Tracer

Xian Gaza nagtataka kung bakit hindi naba-bash si Daniel Padilla: ‘Porke pogi’

Ipinagtataka ng social media personality na si Xian Gaza kung bakit hindi naba-bash sa hiwalayang KathNiel si Daniel Padilla samantalang noong si Skusta Clee umano ang may isyu kay Zeinab Harake ay kung anu-ano ang pinagsasabi rito ng netizens.

Umalma rin siya sa pag-atake ng netizens kay Andrea Brillantes, na tinuturong third party umano sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn Bernardo.

“Nung nambabae si Daniel Padilla, ang inatake niyo ay si Andrea. Hinusgahan niyo buong pagkatao nung bata. Hindi niyo mapagsalitaan ng masama si DJ porke pogi,” wika ni Xian sa viral Facebook post.

“Pero nung si Skusta Clee ang may issue eh kung anu-ano mga pinagsasabi niyo,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on