WebClick Tracer

Surigao del Sur muling niyanig ng malakas na lindol

Matapos ang magnitude 7.4 na lindol, niyanig naman ng isang magnitude 6.0 na aftershock ang Hinatuan, Surigao del Sur nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang magnitude 6.0 na aftershock nitong alas-6:36 ng gabi.

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na inaasahan pa ang mga aftershock sa mga susunod na linggo matapos ang magnitude 7.4 na lindol nitong Sabado, Disyembre 2 ng alas-10:37 ng gabi ngunit hindi ito magreresulta ng tsunami. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on